August 22, 2014

Dumaan ako sa room nila, sabi ko na nga ba di sya sumama sa seminar eh. Yung mas pinili nyang mag stay sa school kesa sumama sa Laguna. Kinilig nako don oo pucha. Nung INTRD na nmin, dumaan sya sa room namin, pucha alam kong nakita nya ako kasi open yung space ko walang nakaharang kaya alam ko!! Pucha okay ayan na naman ako kilig kilig putangina. Nung nag stat na, kami na gagamit ng room nila kaya kami nag hihintay sa tapat ng room na yon. Pucha katabi ko si lantobells sa may pintuan, siya report ng report sakin kung nasan na si bae, kung nakatingin ba. Maya-maya napatingin ako sa room nila puta di ko expected na pag titingin ako sya nakita ko. AT NAGKATINGINAN KAME. puchaaaa kalma huhuhu. OPEN SPACE NA NAMAN KASI SHET PAKSHET! Tapos edi ako sa loob loob nagwawala na, pero sa labas kalma. Si lantobells sabi nya kahit may kausap daw si bae, patingin-tingin pa din daw sa pwesto nmin! Ang nakakainis lang eh yung mga kablockmate kong di ko naman close eh puta sasabihin daw nila kay bae na crush ko siya. Ano mga pakielamero tungunuuu. Si kiara naman ayan na naman syang di marunong magpigil. NAKAKAINIS ANG SARAP NILANG IHULOG SA HAGDAN REALTALK. HAAAAY.

Nung kinagabihan naman, nakachat ko si Jaja! Tas sabi nya may GOODNEWS daw sya. Pucha ako naman naexcite kasi nga goodnews! Alam kong tungkol kay bae to HAHHAHA. Sabi nya kachat nya daw si bae, nagpapatulong daw sa kanya si bae don sa proj nila sa acct. Sabi naman ni Jaja ako daw unang pumasok sa isip nya na pwedeng tumulong kay bae. Ehhhh nakakahiya kaya diba! Pucha feeling ko kasi alam nyang may crush ako sa kanya eh kaya awkward pag ganon. Ang suggestion ko na lang kay Jaja eh dapat sya na lang tutulungan ko, dapat nakikita ni bae na tinutulungan ko si Jaja para magpatulong din yun sakin dibaaaa. Promise kasi nakakahiya talaga. Feeling ko di rin magpapatulong yun eh kasi nga mahiyain. Sa tuesday ko daw sasabihin kay Jaja kung tutulungan ko ba o hindi. Hihingi muna ako ng payo sa mga tropa ko HAHHAHAHA. Aba ang hirap kaya na desisyon yon, yung tipong gusto mo din kasi pagkakataon nyo ng maging close pero ayaw kasi nakakahiya.haaaays